LPG, petrolyo magtatapyas ng presyo

MULING naglabas ng anunsyo si LPGMA Party-list Representative Arnel Ty hinggil sa posibilidad na rollback sa presyo ng Liquefied Petroleum Gas (LPG) sa susunod na linggo.

Ang pagbaba sa presyo ng cooking gas ay bunsod ng pagbaba sa P9 kada tangke ng presyo ng LPG nitong nakaraang linggo na posibleng masundan pa sa pagpasok ng buwan ng Mayo.

Dahil dito, ang P695 presyo kada tangke ng LPG ay mababawasan pa lalo kung magtuloy-tuloy ang pagbaba ng contract price nito sa world market.

Samantala, magtatapyas naman presyo ng kanilang produktong petrolyo ang Petron simula bukas.

Simula Lunes ng madaling-araw, tatapyasan ng P0.60 ang presyo ng kada litro ng regular gasoline at P0.30 sa kanilang premium gasoline.

Mananatili naman ang presyo ng diesel.

Ayon sa  Petron, ang bawas presyo sa produktong petrolyo ay bunsod ng paggalaw ng presyo ng produktong petrolyo sa international market.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply