Luis at Jennylyn live-in na?

TUMAPAK si Jennylyn Mercado sa bakuran ng ABS-CBN 2 nu’ng Thursday night kasabay ni Gov. Vilma Santos. Pareho silang nag-taping at naglaro ng ‘Deal or No Deal’ para sa birthday special ni Luis Manzano.

Unang nag-taping si Jen at sinundan naman ni Gov Vi. Pinahiram si Jennylyn ng GMA-7 na maglaro sa Kapamilya Network sa isang kondisyon na ipahihiram din si Luis sa isang show sa Kapuso Network.

“Kung saan ayaw ko pang i-preempt,” sey niya.

May hinala ang ilan na baka sa birthday rin ni Jennylyn ngayong Mayo mage-guest sa GMA si Luis.

May ilang biruan ang mag-inang Gov. Vilma at Luis tungkol sa mga babae at nag-dialogue si Luis na pag-uwi niya sa bahay, katakut-takot na namang paliwanagan ang mangyayari.

Nagtanong tuloy ang ilang press na nasa taping kung nagli-live-in na ba sina Luis at Jen dahil sa sinabi niyang ‘yun?

Magandang sign sa Kapamilya at Kapuso na naghihiraman na ng artista. Kamakailan ay napanood din si Raymond Gutierrez na nag-guest sa ‘Gandang Gabi Vice’ ni Vice Ganda nu’ng birthday nito.

Tsuk!

-0o0-

ANYWAY, puring-puri ni Luis ang ginawang preparasyon ng ‘Deal or No Deal’ sa kanya.

“Napakaganda ng ginawa ng ‘Deal or No Deal sa birthday ko,” sey niya.

Nu’ng i-offer sa kanya ang naturang game show ay napag-uusapan na rin kung ano kaya ang mangyayari kung magi- guest si Jennylyn.

“Sabi nga namin, oo nga, no? Pero papayagan kaya? Kaya nga, after ng guesting, we’re very very thankful sa ABS at GMA na siyempre, hindi naman araw-araw na nangyayari ‘yan na may ganyang pagbibigay o panghihiram,” reaksyon niya.

Ano ang aabangan ng tao sa kanya sa ‘Deal or No Deal’? “Performance. May ginawa siyang performance at second dapat talaga minsan ay ipinaglalaban mo ang iyong mga paninindigan. ‘Yan ang tamang i-describe ang laro niya. Ipinaglaban niya ang  kanyang paninindigan,” aniya pa.

“Fair naman ‘yun na ipinahiram nila si Jen at ipapahiram din ako ng ABS,” dagdag pa niya.

-0o0-

MAGBUBUKAS na ngayong Lunes (Abril 16) ang kwento ng pinaka-aabangan at pinakamalaking Primetime teleserye ng ABS-CBN na “Princess and I” kung saan tampok ang royal cast na sina Albert Martinez, Gretchen Barreto, Dominic Ochoa, Enrique Gil, Khalil Ramos, Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Matutunghayan sa pinakabagong Filipino fairytale drama sa telebisyon ang istorya ng mag-amang si King Anand (Albert) at Prinsesa Mikay (Kathryn) ng kaharian ng Yangdon na paghihiwalayin ng isang trahedyang magbabago sa takbo ng kanilang mga buhay.

Tiyak na kagigiliwan ng buong pamilya ang pinakabagong obra na matutunghayan sa Primetime Bida dahil sa engrandeng paghahanda ng teleserye mula sa mga magagarang costumes hanggang sa pagdayo ng cast at crew sa Kingdom of Bhutan para kunan ang mga tagpo sa kaharian ng Yangdon.

Halos dalawang linggong nag-shoot at nag-bond sina Kathryn, Enrique, Precious Lara Quigaman, Gretchen, at Albert sa Bhutan kung saan nasaksihan nila ang tunay na ganda at kultura ng kaharian. Sa katunayan, inamin ng pinakabagong ‘Prinsesa ng Primetime’ na si Kathryn na sa Bhutan niya mas lalong nakalapit at nakilala ang kaibigan at isa sa mga makakapareha niyang si Enrique.

Kabilang din sa ‘royal cast’ ng teleserye ang ilan sa mga naglalakihang pangalan sa industriya na sina Yayo Aguila, Nina Dolino at Sharmaine Suarez. Ang “Princess and I” ay sa ilalim ng direksyon ni Dado Lumibao at Francis Pasion.

Huwag palampasin ang pagbubukas ng kwento ng pinakabagong Primetime royal teleserye ng ABS-CBN na Princess and I ngayong Lunes (Abril 16) sa Primetime Bida.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply