Lumustay ng P5M casino chips arestado

ARESTADO ang isang Hong Kong national na matagal nang pinaghahanap ng awtoridad matapos magtago ng mahigit isang taon mula nang lustayin ang mahigit P5 milyon casino chips sa Angeles City.

Nasa kustodiya na ng Manila Police District-Warrant Section ang suspek na si Leung Wai Kwong, alyas Micjael Leung, 46, ng Grand Residence sa kahabaan ng Adriatico kanto ng Salas St., Malate, Maynila.

Si Leung ay inaresto sa bisa  ng warrant of arrest na may petsang Hunyo 9, 2011 na inisyu ni Judge Philbert Eturaldo ng Angeles City Regional Trial Court Third Judicial Region, Branch 58.

Sa report, nabatid na mahigit isang taong nagtago ang suspek matapos lustayin ang nasabing halaga ng casino chips sa Angeles City.

Nang mailabas ang warrant of arrest ay nakatanggap naman ang MPD-warrant section ng impormasyon na kumakain ang suspek sa isang restaurant sa  Adriatico St., sa Maynila kaya agad nila iyong pinuntahan at inaresto ang salarin.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply