Lupa sa HLI, 6-12 buwan bago makuha — DAR

TATAGAL muna ng anim hanggang 12 buwan bago makuha ng mga magsasaka ng Hacienda Luisita sa Tarlac ang titulo ng kanilang parte ng lupa mula sa plantasyon.

Ito ang inanunsyo kaninang umaga ng Department of Agrarian Reform, isang araw matapos katigan ng Korte Suprema ang pagbibigay ng lupa.

” Karaniwang proseso ay from six to 12 months,” pahayag ni DAR Secretary Virgilio delos Reyes.

Ang proseso aniya ay kabilang ang pagdetermina kung sino sa mga magsasaka ay may karapatan sa lupa at gaano kalaki ang lupa na dapat ipamahagi sa kanila.

Pinaalalahan din ni delos Reyes ang mga magsasaka na nakakuha ng kanilang lupa na hindi nila agad ito maibebenta at maghihintay muna sila ng 10 taon bago magawa.

Sa kabilang dako, hindi naman siya magkokomento sa kaso hanggat hindi niya personal na nababasa ang kopya na mula sa high court’s decision.

Kinatigan ng Korte Suprema ang November 2011 decision para sa distribusyon ng may 5,000 ektarya ng Hacienda Luisita land sa may 6,000 farmer beneficiaries kahapon.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply