Lupain ng HLI ipinamamahagi na ng SC

IPINATUTUPAD na ng Supreme Court (SC) ang November 22, 2011 ruling sa pamamahagi sa 4,915.75 hectares sugar plantation sa 6,296 farmer beneficiary.

Sa botong 14-0, pinanindigan ng SC ang kanilang resolusyon sa kaso dahil na rin sa bigat ng mga argumento na idinaos noong 2010.

Sinabi naman ni SC Spokesman Midas Marquez na sa botong 8-6 ay napagpasyahan din ng mga mahistrado na ipatupad ang valuation ng hacienda noong 1989 kung saan naiakyat ang usapin sa korte.

Paliwanag ni Marquez, ang kabayaran ay dapat ibase sa per square meter na selling price ng kanilang lupa noong nasabing taon.

Sa record ng Department of Agrarian Reform (DAR), sa nasabing panahon ay ibenibenta lamang ng P16 kada square meter ang lupa sa hacienda ng mga Cojuangco.

Maalala na umapela ang panig ng HLI na dapat ang 2006 value ng lupa ang magiging basehan sa matatanggap nilang bayad sa ibabahaging lupa sa mga magsasaka.

Kasama sa mga bomoto para sa en banc resolution ay sina Chief Justice Renato Corona, Justices Presbitero J. Velasco, Jr., Teresita De Castro, Roberto A. Abad, Jose P. Perez, Martin Villarama, Jr., Jose C. Mendoza at Arturo D. Brion.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply