LWUA sa publiko: Magtipid sa tubig

NANAWAGAN ang Local Water Utilities Administration (LWUA) sa publiko na magtipid sa paggamit ng tubig ngayong nakararanas ang bansa ng matinding init ng panahon.

Sinabi ni Engr. Antonio Magtibay, Public Affairs Division director ng LWUA, na unti-unti nang bumababa ang water level sa mga district water facility sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ayon sa LWUA, partikular na kinakapos ng suplay ng tubig ay ang mga taga-Northern Luzon, lalo na ang Cagayan at Quirino provinces.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply