Maagang pangangampanya ng mga politiko pinuna

PINUNA ng isang Obispo ang maagang pangangampanya at pamumulitika ng ilang pulitiko sa pamagitan ng political advertisements na naglalabasan sa radyo at telebisyon.

Bunsod nito, inirekomenda ni Sorsogon Bishop Arturo Bastes ang pagpasa ng batas na nagbabawal sa isang pulitiko na lumabas sa TV at radio.

“That should not be! That’s very bad! that’s politicking! Sana gumawa ang ating mga lawmaker ang batas na nagbabawal sa mga pulitiko na maging commercial endorser lalo pa at nalalapit na ang halalan. Dapat i-disqualify ang mga yan sa halalan!” bahagi ng pahayag ni Bp. Bastes.

Pinayuhan din ng obispo ang taong bayan na suriin mabuti ang katauhan ng mga nagbabalak tumakbo sa halalan.

Hinimok naman ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani ang mamamayan na huwag iboto sa darating na halalan ang mga kongresista at mga senador na pabor sa RH bill.

Malaki rin ang paniniwala ni Bishop Bacani na hindi na maipapasa ang RH Bill ngayong taong ito.

Ayon kay Bp. Bacani, ito ay dahil abala na ang mga pulitiko sa pagpapakilala at pangangampanya para sa darating na 2013 midterm election.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply