Maaliwalas ang panahon ngayong Lunes Santo– PAGASA

MAALIWALAS ang panahon ngayong maghapon ng Lunes Santo sa halos buong bahagi ng Pilipinas.

Ayon kay Fernando Cada ng PAGASA forecasting center, walang sama ng panahon na umiiral ngayon sa Pilipinas bagama’t may kaunting pag-ulan na mararanasan sa dakong hapon at gabi sa silangan ng Luzon at Visayas dahil sa easterly wind.

Ngunit hindi ito sapat para maantala ang biyahe ng mga maglalakbay ngayong Semana Santa dahil hindi ito magdudulot ng perwisyo sa mga uuwi sa kani-kanilang probinsya.

Binigyang diin pa ng PAGASA na hindi na maaaring gawing dahilan ng mga airline company ang lagay ng panahon para kanselahin ang ilang biyahe sa alinmang panig ng bansa dahil maaliwalas ang panahon nitong maghapon.

Kasabay nito, nagbabala naman ang PAGASA ng matinding init ng panahon dahil inaasahan ang matataas na temperatura ngayong araw.

Sa Metro Manila tinatayang maglalaro ang temperatura sa pagitan ng 22-33 antas ng sentigrado.

Kahapon ay naitala ang mainit na temperatura sa Subic na umabot sa 35 degrees Celsius.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply