Mabungangang misis, sinakal ni mister, todas

KASONG parricide ang kinakaharap ngayon ng isang mister matapos mapatay sa sakal ang kanyang misis makaraan ang kanilang pagtatalo sa Ilocos Norte, sa ulat ng pulisya kanina.

Sa report, bago ang insidente ay narinig pa ng mga kapitbahay na nag-away ang mag-asawa sa hindi malamang dahilan hanggang sa mabalitaang patay na ang biktima na si Michelle Cardona, 27, ng Brgy. 15, Pangil, Pasuquin, Ilocos Norte.

Sa imbestigasyon, inamin ng suspek na si Romulo Cardona, 25, na napatay niya ang kanyang misis nang magblangko ang kanyang isip matapos matuliro sa pambubunganga ng asawa.

Tinangka pang itinakbo sa pagamutan ang biktima pero hindi na umabot nang buhay.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply