Mag-ama niratrat, tigok sa Camarines Sur

SABAY na binawian ng buhay ang mag-ama matapos silang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa bayan ng Tinambac sa lalawigan ng Camarines Sur, ayon sa ulat ng pulisya ngayon.

Base sa police report, nakilala ang mga biktima na sina Efren Pelonio, 50 anyos, at Edzel Pelonio, 20 taong gulang, kapwa mga residente ng Barangay Pantat sa nasabing bayan.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng Camarines PNP, nag-aalaga ng kanyang nakababatang kapatid ang batang Pelonio nang bigla na lang itong barilin sa loob ng kanilang bahay ng hindi nakilalang suspek.

Agad naman itong nakita ng kanyang ama kaya tinangkang saklolohan ang anak subalit pinaputukan din siya ng suspek.

Maswerte namang nakaligtas ang batang inaalagaan.

Sa ngayon, may lead na sinusundan na ang mga awtoridad dahil may nakasaksi umano sa pangyayari.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply