Mag-ama tinarakan ng nairitang kainuman

TRAHEDYA ang kinahantungan ng buhay ng isang mag-ama makaraang sabay silang tarakan nitong Biyernes Santo ng kanilang nairitang mga kainuman sa Quezon City, iniulat ng pulisya.

Inoobserbahan pa sa East Avenue Medical Center ang mag-amang Ernesto Bastarrecha, 54, at Emil, 24, kapwa residente ng Sct. Limbaga, Brgy. Sacred Heart, QC bunga ng tig-isang tama ng saksak sa likuran.

Sa ulat sa Quezon City Police District Kamuning Station 10, naganap ang insidente 9:00 ng gabi nitong Biyernes malapit sa lugar ng biktima sa Brgy. Sacred Heart.

Masayang nakikipag-inuman noon ang mga biktima sa ilang kalugar kabilang ang mga suspek na sina Cristituto Singbuan, 35 at isang 17-anyos  nang bigla na lamang nagtalo ang mga ito dahil sa kaingayan ng mga biktima.

Dahil dito, biglang nagsipagbunot ng mga kargada ang  dalawang suspek at sabay na tinarakan sa likod ang mag-ama.

Agad namang nasakote ng mga pulis ang papatakas na mga suspek na nakapiit na sa nasabing himpilan ng pulisya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply