Mag-utol nagtalo sa utang: 1 patay

DAHIL sa utang na hindi binabayaran, pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng isang 33-anyos na lalaki ang kanyang nakatatandang kapatid sa lalawigan ng Pangasinan nitong Huwebes ng gabi (Abril 19).

Nagtamo ng saksak sa iba’t ibang parte ng katawan at namatay noon din ang biktimang si Leo Sing, 44-anyos residente ng Barangay Gueguesangen Mangaldan.

Sa tulong ng mga kamag-anak, sumuko rin sa pulisya ang suspek na si Regel Sing na nagtago sa bahay ng kanyang pinsan pagkatapos ng insidente.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas-9:30 nitong Huwebes ng gabi sa bahay ng magkapatid.

Bago ito, nag-iinuman ang magkapatid sa kanilang bahay pero nang makargahan na ng alak ay biglang siningil ng biktima ang suspek sa pagkakautang nito.

Hindi naman nagustuhan ni Leo ang patutsada sa kanya ng kapatid kaya humantong ang kanilang pagtatalo sa suntukan hanggang sa makadampot ng kutsilyo ang suspek at sinaksak ang kanyang nakatatandang kapatid.

Nakaditine na ngayon sa Mangaldan PNP detention cell ang suspek at sasampahan ng kasong paricide. (Robert C Ticzon)

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply