Maganda ang layunin, huwag ningas-kugon

MAGANDA ang layunin ng pamahalaan na ipagkaloob na lang sa Department of Education at Technical Education and Skills Development Authority ang mga kahoy na nasabat sa Pier 10 ng North Harbor sa Maynila.

Ang mga nakumpiskang kahoy na aabot sa 12.014 milyong board feet ay ibibigay ng Anti-Illegal Logging Task Force at Department of Environment  and Natural Resources sa DepEd at TESDA para gawing silya sa mga pampublikong paaralan.

Ang mga nasabat na kahoy mula sa tatlong 20-footer container van na  naglalaman ng 21,000 board feet ay tinatayang nagkakahalaga ng P600,000 na karamiha’y  mga lauan, isang uri ng kahoy na tumutubo lamang sa kagubatan.

Sinasabing ang tatlong container van ay sakay ng M/V Phil. Span Asia 1 galing Davao City  na dumating  sa Maynila  noong Marso 29, 2012 nang masabat ng pinagsamang puwersa ng AILTF, DENR-National Capital Region,  Bureau of Customs, Philippine Coast Guard at Naval  Intelligence  Special Force sa Pier 10 ng North Harbor, Manila at sinasabi rin na pawang  misdeclared ang mga ito.

Ang pagkakasabat sa mga nasabing smuggled na kahoy ay pagpapakita  ng positibong resulta  ng pagtutulungan ng mga ahensya  ng pamahalaan  para sa pagbabantay sa mga kagubatan ng bansa.

Noong nakalipas na taon ay mahigpit na ipinagbawal ng  pamahalaan ang pagpuputol ng mga kahoy  sa  mga kagubatan sa bansa ngunit bakit may mga nahuhuli pa ring illegal logs ang ating mga awtoridad na pilit na ipinupuslit ng  organisadong illegal loggers.

Sinasabing  organized at well-finance ang nasa likod ng illegal logging sa bansa at alam ng  mga awtoridad kung sino-sino ang mga ito pero bakit naipagpapatuloy pa rin ang kanilang operasyon?

Kung talagang gugustuhin n g pamahalaan na matigil ang illegal logging, dapat bantayang mabuti ang mga  kabundukan hindi ang karagatan dahil kung walang mapuputol na kahoy ay wala ring masasabat sa karagatan.

Nangako naman si Supt. Defiesta ng AILTF, DENR at mga katuwang na ahensya na kanilang paiigtingin ang pagbabantay  sa mga kagubatan  para hindi na maulit  ang malagim na flashflood na tumama sa Cagayan De Oro City  at Iligan City  noong  nakalipas na taon sa kasagsagan ng bagyong Sendong na sanhi  umano ng malawakang illegal logging sa mga kabundukan.

Maganda ang layuning ito sana nga lang ay huwag maging ningas kugon at tuloy-tuloy na bantayan ang mga kabundukan at karagatan.

Sa pinakahuling satellite image ng DENR, mayroon na  lang tayong  7,168 milyong ektaryang forests cover mula sa 27 million hectares noong 1521 kung kaya naman ang bansa ay ikaapat na sa “most threatened forests” sa boung mundo, ayon sa Conservation International na naka base sa Washington D.C. sa America.

Bukas po ang Lily’s Files Column natin para sa inyong  mga reklamo, suggestions at komento, mag text lang po kayo sa 0915-5683000 at 0908-7230036 o kaya ay may email sa lpr_2012@yahoo.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply