Magarbong binyag hindi na dapat – CBCP

PINAALALAHANAN ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang mga magulang na hindi na mahalaga ang magarbong handaan kapag binibinyagan ang isang sanggol.

Ito’y bunsod na rin kaugalian ngayon na paghahanda ng magarbong salo-salo sa tuwing may binyag.

Ayon kay Fr. Genaro Diwa, executive secretary ng Commission on the Liturgy ng CBCP, ang isang sanggol ay dapat na mabinyagan sa loob ng tatlong buwan mula nang ipanganak.

Karaniwan na kasi aniyang nagiging praktis ngayon ng mga magulang ay hinihintay munang magkaroon ng salapi bago magpabinyag.

Dahil sa nasabing kaugalian ay mistula na umanong nasira ang tunay na diwa ng “Christian initiation.”

Nitong Pebrero aniya, isang circular ang inilabas ni  Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas upang paalalahanan ang mga magulang sa kahalagahan ng binyag.

Kabilang sa nakasaad sa nasabing circular ay ang pagdadamit ng puti ng mga magulang at ninong at ninang sa panahon ng binyag.

Ito ay bilang senyales ng pagkakalinis mula sa orihinal na kasalanan.

Mahigpit ding ipinagbabawal ang pagbibigay ng pangalang Pope Benedict XVI sa kanilang mga anak.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply