Magbayad kayo!

HINDI tayo mapalagay sa mga pinagsasabi ng Malakanyang sa energy summit sa Mindanao.

Lumalabas kasing problema lang ng suplay at demand ang pinag-uusapan.

At sa pananaw pa ng mga kapitalista.

Sa ibang salita, kung gusto ni Juan na hindi magkabrawnawt, magbayad siya nang mahal.

At tapos na rin ang panahon ukol sa murang kuryente?

Utak-kapitalista yan at hindi utak ng tamang pamamalakad sa pamahalaan na naghahanap ng ikagagaan ng kalagayan ni Juan.

Ang utak-kapitalista ay walang hangad kundi ang tumubo ng malaki sa lahat ng pagkakataon.

At lalong nagwawala ang kapitalista sa panahon ng krisis.

Nililikha pa nga ang krisis ng mga kapitalista, lalo na ang krisis sa suplay, upang lalo silang tumubo ng malaki sa pagsasabing “magbayad kayo ng mahal.”

oOo

Kapain natin ang nagaganap, Suki.

Alam ng gobyerno at mga negosyante sa kuryente ang laki o liit ng pangangailangan ni Juan sa kuryente.

Alam nga rin nila ang pangangailangan sa susunod na 10-20-30 taon.

Pero ano ang ginagawa ng mga ito, lalo na ng mga pribadong negosyante?

Ayaw nilang magpundar ng planta ng kuryente na sobra sa pangangailangan ni Juan dahil kontra ito ng paglikha nila ng krisis upang lalo silang kumita.

Naiintindihan natin ito.

Pero sa gitna ng kalokohang ito, nakapagtataka na nakasandal ang pamahalaan sa mga ito.

Tingnan ninyo. Isinapribado na ang halos lahat ng planta at kawad ng kuryente ng gobyerno.

Nawalan tuloy ng saysay ang Electric Power I-dustry Reform Act na naglalayong gawing mura ang kuryente sa repablik ni Juan.

Napakamahal na ngayon ito.

Ang masakit dito, mismo ang Malakanyang ngayon ang nagsasabi na huwag nang umasa si Juan ng murang kuryente.

Hindi ko ma-gets ang punto ng Palasyo, Suki!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply