Magkapatid na paslit patay sa lunod sa Cagayan de Oro

PATAY na nang idating sa Northern Mindanao Medical Center ang isang magkapatid na paslit matapos malunod sa isang resort sa Zone 6, Brgy Bonbon, Cagayan de Oro.

Kinilala ang magkapatid na sina Emmanuel Maandig, 7, at Manny Maandig, 6, ng Barangay Patag.

Nabatid na patay na nang lumutang ang mga biktima matapos anurin ng  malakas na alon habang naliligo sa hindi pinangalanang resort.

Nakatakda namang sampahan ng kasong kapabayaan ang may-ari ng nasabing paliguan.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply