Magkapatid nalunod sa Legazpi City

HINDI na umabot pa sa ospital ang magkapatid makaraang malunod nang maligo sa tabing dagat sa Legazpi City.

Ayon kay SPO1 Ronnie Llaneta, ng Sto. Domingo Municipal Police Station, Lunes Santo pa lamang nagpaalam ang magkapatid na sina Lara Jane Barnedo, 10, at Shane Barnedo, 5, na maliligo sa dalampasigan ngunit hindi na nakauwi sa Barangay Alintok sa naturang bayan.

Ilang oras lamang ang lumipas namataan na wala nang buhay na nagpapalutang-lutang sa tabing-dagat ang magkapatid na napag-alaman na hindi marunong lumangoy.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply