Magkasunod na banggaan sa NLEX naitala

NAITALA ang magkasunod na aksidente sa North Luzon Expressway (NLEX) kaninang madaling araw.

Apat na sasakyan ang nagkarambola sa North Bound Lane ng NLEX malapit sa Mindanao Avenue Interchange.

Kasama sa mga nagkarambola ang isang Toyota Vios, Suzuki Vitara, Pajero at isang Ford Fiera.

Ayon kay Lea Mateo, driver ng Pajero na nagdahan-dahan siya nang kanyang makita ang early warning device ng Ford Fiera na minamaneho ni Ruben Ladisma na natanggalan umano ng gulong.

Biglang may bumulagang lalaking nagta-traffic at nang kanyang iwasan ang lalaki ay sumalpok siya sa mga kalapit na sasakyan at tumama ang kanyang sasakyan sa concrete barrier.

Matapos ang ilang minuto ay nagbungguan naman ang isang six-wheeler truck at isang 14-wheeler truck sa South Bound Lane ng NLEX.

Ipinaliwanag ni Arnold Cortez, driver ng 14-wheeler truck na mayroon lamang siyang iniwasan nang mabunggo siya ng six-wheeler truck na minamaneho ni Renato Gonzales.

Nawalan ng kontrol ang mga truck at saka sumalpok sa concrete barrier.

Wala namang nasaktan sa dalawang aksidente.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply