Maglilibot sa Semana Santa, extra ingat

MULING nagpaalala ang pamunuan ng Manila Police District sa publiko magbi-Visita Iglesia  na mag-ingat sa mga masasama ang loob .

Ayon kay MPD Spokesperson P/Sr Insp.Erwin Margarejo, bagamat nakakalat na ang pulis sa mga lansangan lalo na sa mga simbahan sa buong Kamaynilaan ay mahalaga pa rin ang ibayong pag-iingat at laging alerto sa lahat ng bagay.

Pinayuhan din ni Margarejo ang mga namamatang iikot sa mga simbahan na huwag nang magdala pa ng malalaking pera at magsuot ng alahas upang hindi na matukso pa ang mga kawatan na gumawa ng masama sa kanila.

Mahalaga rin aniya na magreport agad sa himpilan ng pulisya sa oras na may mangyaring masama o mabiktima ng mga kawatan.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply