Maglolola tusta sa sunog sa San Mateo, Rizal

NATUSTA nang buhay ang isang lola at kanyang dalawang apo na nagbakasyon lamang sa Metro Manila nang masunog ang isang residential area sa San Mateo, Rizal kabilang ang bahay ng mga biktima kaninang madaling araw.

Kinilala ng San Mateo police ang maglolola na sina Esperanza Gabnot, 75 at ang kanyang dalawang apo na hindi nakuha ang mga pangalan.

Ang sunog na tumagal ng 2 oras ay nagsimula dakong alas 2 a.m. na natupok ang may anim na kabahayan.

Tinatayang aabot ang danyos sa P200,000.

Naapula naman ang sunog dakong alas 4 a.m.

Inaalam pa ng awtoridad ang pinagmulan ng sunog.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply