Magsasaka pinatay ng utol sa burol ng ina

SA mismong burol ng kanilang nanay, sinaksak at napatay ang isang magsasaka ng kanyang sariling kapatid sa Apayao, Cagayan, Martes ng gabi, Abril 17.

Dead on arrival sa ospital sanhi ng saksak sa kanang dibdib at sa likod ng katawan si Arthur Domingo, 45, ng Calog Sur, Abulug.

Sumuko naman agad sa pulisya at sasampahan ng kasong parricide ang suspek na si Joel Domingo, 43, ng Barangay Quirino, Luna, Apayao.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente alas 8:30 nitong Martes ng gabi sa bahay mismo ng biktimang si Arthur na pinagrarausan ng lamay ng kanilang ina.

Ayon kay SP03 RC Rabanal, bago ang krimen ay basta na lang dinala ng suspek ang bangkay ng kanilang namatay na nanay para iburol ng ilang araw sa bahay nito na hindi naman nagustuhan ng suspek kaya kinompronta siya ng kapatid.

Sa halip na magkapaliwanagan ay nauwi sa saksakan ang insidente ikinamatay ng biktima.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply