Magsaysay manok nina Erap at Biazon sa BoC

NAGTATAKA ang marami kung bakit may napababalitang isa si Zambales Representative Mitos Magsaysay sa mga iniindorso ni dating Pangulong Joseph Estrada sa United Nationalist Alliance o UNA.

Isa kasi si Magsaysay sa mga iniindorso umano sa Senado ni Erap sa darating na 2013 election bagaman bata itong sarado ni Ate Glo.

Limang pangalan umano ang iniindorso ni Estrada sa 2013 Senatorial election sa UNA at ito ay sina JV Ejercito, anak ni Erap at kasalukuyang alkalde ng San Juan City na si Mam Guia, Valenzuela City Mayor Sherwin Gatchalian, anak ni William Gatchalian na kaibigan ng dating pangulo, Cagayan Cong. Jackie Enrile, anak ni Manong Johnny, dating Senador Ernie Maceda at si Aling Mitos.

Hindi tuloy malaman kung anong kamandag mayroon itong si Aling Mitos dahil maging si Erap ay kanyang nakumbinsi umano na itulak siya sa line-up ng UNA gayung siya ang tagapagtanggol ni Cong. Gloria Macapagal Arroyo, ang taong nagpatalsik at nang-agaw ng trono ni Estrada sa Malakanyang.

Kung inyong napapansin biglang nanlamig si Magsaysay sa pagtatanggol kay CGMA at bigla itong naging issue oriented na lamang.

Sakay sa agos kumbaga.

‘Yan umano ang drama ni Mitos sa ngayon dahil ito lamang ang paraan para masama siya sa UNA nina VP Jojo Binay at Estrada.

oOo

Panalo ang Bureau of Customs (BoC) kay Commisioner Ruffy Biazon.

Matino kasing tao ang batang Biazon kaya’t marami ang pilit na nagpapabagsak dito.

Todo ang kampanya nito sa BOC laban sa smuggling kahit iilan lang sila ng kanyang mga dalang tauhan ang tahasang nagtatrabaho  nang matino rito.

Mahirap kasi sa BoC, bihasa na ang mga tauhang inabot dito ni Biazon kaya’t naroon pa rin ang bulok na kalakaran sa naturang ahensiya.

Pasasaan ‘pa’t maayos din ang naturang departamento dahil mayroong isang Biazon na handang magserbisyo at magpatino rito.

Ingat lang, Mang Ruffy, dahil baka makana ka ng  mga sindikato riyan sa Customs na walang hinangad kung hindi mapatalsik ka sa pwesto.

oOo

Sa mga naghahangad ng pagkalinga ng pitak na ito, maaari kayong mag-email sa barangayanni_isko@yahoo.com.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply