Mahilig sumawsaw sa showbiz ang politiko

MAY bagong kontrobersiya ngayon sa showbiz, at ito ay away ng dalawang magkadugo pero nasawsaw na naman sa eksena ang isang politiko. Ang sabi’y tinext daw ito ng aktres at sinisingil sa utang na hindi naman siya ang may gawa. Sabi ng kampo ng una, hindi naman loka-loka na mandadamay pa ito ng ibang tao para lamang mabawi ang perang inutang sa kanya. Ano ba talaga ang totoo?

Ang alam lang namin, mahilig talagang umeksena sa showbiz ang politician na ito. Pasimple lang ito pero feeling aktor din itetch. Kaya puro artista o may koneksyon sa katsang telon ang kinokonek nito. Imagine, para lamang ‘di mawala ang unang isyu na involve din siya ay pinipilit pala ang isang mabait na politician na maki-join sa kanyang laban. Artistahin talaga, huh!

Eh, sorry sya, natauhan na ang friend niyang ayaw madamay sa gulong pinasok niya na hindi naman pala nito kayang tapusing mag-isa.

Ano ba kasi ang gusto ni Mr. sawsawero sa buhay, ang maging artista o ang magsilbi sa bayan? Aba’y isa-isa lang. Bawal ang mamangka sa dalawang hilig, este, ilog. Hehehe!

***

Napadali ang pag-renew ng kontrata

PINABULAANAN ng GMA Network ang balitang bumisita si Angel Locsin sa 7th floor ng GMA7 building para sa isang diumano’y importanteng meeting. Dahil dito, mukhang napabilis tuloy ang pagre-renew ng kontrata ng aktres sa Star Cinema at sa Friday, April 27 na raw ito mangyayari.

Well, kung pinabulaan ito ng Kapuso, sino namang pontio pilato ang nagsabing nakita siya roon? Gimik lang ba ito ng s’yota ni Phil Younghusband para pansinin agad ng ABS CBN’s film arm ang napapaso niyang kontrata o talagang may plano siyang bumalik sa Siyete?

***

Kung wala sa harap ng kamera matigas ang leeg

MINSAN nang nireklamo ng mga students ang TV host/actress dahil sa pang-iisnab sa kanilang lambing na makodakan sila. Hehehe!

Naghinanakit din ang ilang writers dahil sa pangmemenos niya sa mga tabloid na sinusulatan nila. Imbes na magpasalamat dahil naaalala siyang isulat, nagtaray pa at minaliit ang babasahin. Feeling siguro sisingilin sya kaya dinaan na lang sa pagtatarang. Maliban d’yan, marami pang ginawa ito na manipestasyon ng paglaki ng kanyang ulo.

Ngayon nagbago na raw itetch kuning-kuning. Sabagay, nakita naman namin na sweet na nga siya sa mga reporter don sa mga kilala n’ya at gusto n’ya. Ok na yun.

Kaya lang, pag wala pala sa harap ng kamera ang may kapayatang host ay ang tigas ng leeg. Sa isang event kasing pinuntahan nito, hindi man lang pansin ang ibang mga opisyales na naroon. Ni hindi tumatawa o mag-smile. At laging may kausap sa phone. Kaya yung isang opisyal pa naman ng gobyerno na may anak na fan nitong plastikada pa ring host ay hindi na lang lumapit sa kanila dahil obvious na ayaw nitong makipag-usap.

Hay, naku! Walang pinagkaiba sa kanyang kapatid. Ang ugali ay ugali. Period.

***

Kaso ni Ara kay Cristine walang saysay

AYON kay Public Attorney’s Office Chief at host ng Public Atorni: Asunto o Areglo, (mapanonood sa TV5 mula Lunes hanggang Biyernes sa oras na alas-dos ng hapon) na si Atty. Persida Acosta, walang dating ang kasong libel at grave coercion na isinampa ni Ara Mina sa kanyang half-sister na si Cristine Reyes kung ang mga masasamang mensaheng ipinadala ng huli ay sa private mobile phone lang ng kanyang ate nakarating. Maaaring bugso lamang iyon ng galit kaya nasabi nito ang mga ganung bagay. Yun ay kung iyon lamang ang ginagawa ni Cristine.

Ang problema, pati ibang tao ay pinadalhan din daw ng bunsong kapatid ni Ara ng mga kababuyang text tungkol sa huli kaya napilitan itong maghabla sa korte.

Anyway, pinupuri namin ang effort na ginawa ng PMPC at ni Atty. Persida para matulungan ang movie press na kinakasuhan ng libel o nakararanas ng harassment, pagmamaltrato at pagsaklaw sa press freedom (The same legal assistance from the PAO shall be provided to members of the families of the PMPC members who are victims of media killings). Sa kanilang memorandum of agreement na pinirmahan nung Lunes, handang tumugon sa pangangailangang legal ang opisina ni Hepe anumang oras sa lahat ng miyembro ng PMPC at maging sa lahat ng entertainment press basta may referral sa pamunuan ng club.

Congratulations President Roldan Castro!

***

Para sa inyong mga opinyon at reaksyon, tumawag lamang o magtext sa #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoon.com at maaari n’yo rin kaming silipin sa aming Facebook account, i-type lamang ang aming pangalan. Mabalos!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply