Mainit na panahon mararanasan– PAGASA

INANUNSYO ngayon ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na makararanas ng mainit na temperatura ang malaking bahagi ng bansa ngayong nasa kalagitnaan na ng summer season.

Ayon sa PAGASA, papalo sa 34 hanggang sa 35 degrees Celsius ang pinakamainit na temperatura lalo na sa Cagayan Valley, Central Luzon at Metro Manila.

Samantala, nananatili pa rin ang epekto ng diffused tail end of a cold front sa silangang bahagi ng Northern Luzon.

Kaugnay nito, magkakaroon ng maulap na kalangitan na may pulu-pulong pag-ulan o pagkidlat-pagkulog sa Metro Manila lalo na sa dakong hapon o gabi. Mahina hanggang sa katamtamang hanigin mula sa Hilagang-Silangan ang iiral at ang Manila Bay naman ay magkakaroon ng banayad hanggang sa katamtamang pag-alon.

Tinatayang nasa 23 hanggang 34 antas ng celsius (73 F hanggang 93 F) ang temperatura sa buong Kamaynilaan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply