Malacañang waiting na lang sa ‘valuation’ ng lupa sa Hacienda Luisita

HINIHINTAY na lamang ng Malakanyang ang pinal na kautusan ng Korte Suprema kaugnay sa tinatawag na “valuation” ng 5,000 ektaryang lupa sa Hacienda Luisita sa Tarlac.

Ani Deputy presidential spokesperson Abigail Valte, bagama’t tapos na ang ruling ng Korte Suprema sa validity ng stock distribution option (SDO), napag-iwanan naman ang usapin ukol sa valuation.

“The Supreme Court has already made a ruling as to the issue of validity of the stock distribution option. The pending issue is the valuation of the land. Hintayin natin ang kalalabasan ng kaso,” ayon kay Usec. Valte.

Noong nakaraang linggo ay sinabi ni Supreme Court spokesman and court administrator Jose Midas Marquez na malapit nang maresolba ng mga mahistrado ang motion for reconsideration na isinampa ng Hacienda Luisita Inc (HLI).

Ang hirit ng mosyon ng HLI ay baligtarin ang November 2011 ruling sa pinagtatalunang lupain.

Ani Marquez, nakatakdang muling talakayin ang isyu sa Abril 24.

Ang hacienda ay sugar plantation estate sa Tarlac na pag-aari ng mga miyembro ng pamilya Cojuangco, kabilang na si dating Pangulong Corazon Aquino, ina ni Pangulong Benigno Aquino III.

Noong nakaraang Nobyembre 22, ipinag-utos ng Korte Suprema ang pamamahagi ng mahigit sa  5,000 ektarya ng luapin sa may 6,000 farmer beneficiaries.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply