Malakanyang kay GMA: ‘Get well soon’

BINATI ng Malakanyang si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na nagdiriwang ng kanyang ika-65 kaarawan, sa Abril 5.

“Happy Birthday and get well soon. I hope that she feels…that her condition continues to improve as it has been in the past few months,” ang pahayag ni Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte.

Sa kabilang dako, bagamat may kasabihan na habang may buhay ay may pag-asa, wala namang pag-asa na magdeklara ang Malakanyang ng half-day na pasok bukas.

“May nagsabi pong habang may buhay, may pag-asa. Ngunit pagdating po dito ay mukha naman wala po tayong napipintong pag-declare ng half-day dahil kung iisipin po natin ang Lunes holiday din. So medyo mas mahaba po ‘yung ating bakasyon para sa Semana Santa. So Thursday, Friday, Saturday, Sunday, Monday—parang five-day break. Pwede n’yo po sigurong tanungin ‘yung department heads ninyo kung gusto po nilang mag-declare ng half-day. Ngunit from the Office of the President mukhang wala pa naman pong napipintong pagdeklara,” ayon kay Usec. Valte.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply