Malakanyang tiwala pa rin kay Leonen

SOLIDO pa rin ang tiwala ng pamahalaan sa government panel na pinamumunuan ni Marvic Leonen na patuloy na nakikipag-usap sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) peace panel.

Nauna nang sinabi ng pamunuan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na duda sila sa sinseridad ng gobyerno matapos ibasura ang 11 general principles on peace talks na napag-usapan na ng dalawang panig.

Sinabi ni Presidential Communications Sec. Ricky Carandang na walang nabago sa kanilang tiwala sa kakayahan ni Leonen sa pakikipagnegosasyon sa MILF.

Umaaasa pa rin aniya sila na malalagdaan ang final peace talks sa ilalim ng Aquino administration.

Sa susunod na linggo, muling mag-uusap ang dalawang panig sa pagpapatuloy ng formal peace talks.

Sa kabilang dako, sinabi naman ni MILF Vice Chairman for Political Affairs Ghadzali Jaafar na mahabang panahon din ang ginugol sa pagtalakay ng issues na kasama sa 11 general principles na sinang-ayunan na ng dalawang panig at nakatakda na sanang lagdaan, ngunit hindi lumagda ang GPH sa halip nag-endorso sila ng bagong ammendments na ikinadismaya ng husto ng MILF panel.

Hindi nagustuhan ng pamunuan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang pagbasura ng government peace panel sa pangunguna ni panel chair Atty. Marvic Leonen sa 11 general principles on peace talks na napag-usapan na ng dalawang panig.

Tinuran ni MILF vice chairman for political affairs Ghadzali Jaafar, mahabang panahon din ang ginugol sa pagtalakay ng issues na kasama sa general principles na sinang-ayunan na ng dalawang panig at nakatakda na sanang lagdaan ngunit hindi lumagda ang GPH sa halip nag-indorso sila ng bagong ammendments na ikinadismaya ng husto ng MILF panel.

Sinabi pa rin ni  Jaafar na dahil sa hindi natuloy na paglagda ng 11 general principles, naging “living documents” na lamang umano ito sa ngayon.

Nanindigan si Jaafar na hindi katanggap-tanggap sa kanilang panig ang mga nais mangyari ng GPH dahil malaki ang kanilang paniniwala na hindi nito sinasagot ang pangangailangan ng Bangsamoro at hindi kailanman solusyon sa matagal ng problema sa Mindanao.

Inihayag din ng ILF na dahil sa nangyari, napatunayan lamang ng MILF na hindi tapat ang gobyerno ni Pangulong Noynoy Aquino sa pakikipagnegosasyon sa kanila upang lutasin ang ilang dekada na ring problema.

Binigyang linaw ni Jaafar na hindi kailanman aaprubahan ng MILF ang isinusulong na 3-and-1 solution ng government peace panel.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply