Malawakang protesta sa Mayo Uno kasado na

IKAKASA na mamaya, Abril 23 ng militanteng grupo ang isang linggong protesta na kanilang tinaguriang “Pambansang Protesta ng mga Manggagawa at Mamamayan” na magtatapos sa Mayo Uno, Labor Day.

Kinumpirma ng mga militanteng grupo na susunod-sunurin nila pagkilos na uumpisahan ng may 500 miyembro ng Montalban Relocatees Alliance na susugod sa tanggapan ng National Housing Authority (NHA) sa Rodriguez, Rizal na kinokondena ang kawalan ng trabaho sa kanilang mga lugar.

Ang rally ay bahagi ng isang linggong pagkilos ng grupo na aabot sa Araw ng Paggawa bilang pakikiisa sa panawagan na magkaroon ng dagdag na sahod at mabigyan ng trabaho ang mga Pinoy.

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply