Maliban kay Derek Ramsay: Robin Padilla nasilaw din sa pera

DUMATING pala sa point na namangka sa dalawang ilog si Robin Padilla. Habang nakakontrata siya sa ABS-CBN, pumirma siya ng contract sa TV5. Aminin man sa hindi ni Binoe, dahil iyon sa malaking talent fee plus yung mga privileges na ipinagkaloob sa kanya ng Singko. Very tempting nga naman kapag ganyan ang offer.

“Matagal na ‘yung sa amin ngTV 5. May kontrata na nga kami ng TV5 noon, in-enforce lang ng ABS ‘yung kontrata ko dito, at humingi ako ng paumanhin sa TV5,” pag-amin ni Robin.

Mabuti na lamang at alam ng Dos ang kanilang rights. Pasalamat din ang aktor dahil importante siya sa network kaya hanggang ngayon buhay pa ang kanyang career.

True rin na kinu-convince siya until now ng kanyang misis na si Mariel Rodriguez na lumipat ulit siya sa Kapatid pagkatapos ng kontrata nito sa Kapamilya para wala nang problema. Eh, ayaw naman daw ng simpatikong aktor dahil masaya na siya sa kinalalagyan niya ngayon.

“Okay na kami ni Ma, magkasama na kami gabi-gabi, okay na ‘yun. Bakit ako aalis? Kahit sino naman sa atin, basta masaya tayo, walang dahilan, wala akong dahilan na umalis sa ABS,” sabi pa ng aktor.”

“Lalo na ngayong pinaramdam sa akin ng ABS ang pinakamalaki nilang proyekto. Hindi nga ako makapaniwala nung sinabi sa akin ‘yung teleserye na ‘yun. Wow! Mabigat ‘yun ha, maraming salamat para pagkatiwalaan tayo ng ganung klaseng proyekto.”

Ang sinasabi ni Robin ay itong tungkol sa “Kailangan Ko’y Ikaw” na kung saan he will co-star with Queen of All Media Kris Aquino and “It’s Showtime” host Anne Curtis. Katatampukan din ito ng mga bigating artista  katulad nina Tirso Cruz III, Ian Veneracion, Emilio Garcia and child star Xyriel Manabat.

o0o

Marunong pala sa computer si Amalia

PINABULAANAN ni Amalia Fuentes ang tungkol sa tweet umano nito kay Annabelle Rama na lumabas na sa mga pahayagan. Hindi nga raw siya marunong sa computer. Pero dahil sa nagtatalak na rin ng kung anik-anik sa kanya si Bisaya kaya nag-promise siya na after Lenten season ay reresbakan nito ang una.

Speaking of computer, bago ang talakan nila ni Annabelle sa Twitter at ang pahayag niyang hindi naman siya marunong gumamit nito, napanood namin ang guesting ni Ms. Amalia sa Moments, ang show ni Gladys Reyes sa NET25 at sinabi niya rito na marunong siya sa computer. Take note, tinape raw ang episode na ‘yun bago pa ang bangayan nila ng nanay nina Ruffa.

So, nagsisinungaling si Tita Amalia. Kung totoo man ang pinagsasabi niya sa friend niyang talent manager, wala namang problema. Mabuti nga’t nakakuha ng katapat itong huli.

o0o

Michelle mas yummy kay Marian

PA’NO kaya tatanggapin ni Marian Rivera ang tsikang tinalbugan siya ni Michelle Madrigal sa bentahan ng men’s magazine na sila ang photo cover?

Ang mga tropa naming barako ay talagang bumili ng FHM magazine dahil sa seksing larawan ni Michelle.
Samantalang yung Cosmopolitan na kung ilang taon na rin siyang suki nito bilang endorser ay hindi raw masyadong malakas ang dating sa publiko lalo na sa grupo ni Adan considering na napakaseksi ng katawan dito ni Marian, infairness, huh!

Tingin nga namin kay Michelle ay napakadugyot at si Marian ay parang ang sarap yakapin at halikan dahil malinis ngang tingnan. Hindi kaya mas gusto pa rin nila ang bata kesa sa may edad na? Hehehe!

Pati ba naman sa bentahan ng babasahin ay flopsina na rin ang syota ni Dingdong Dantes?

o0o

Para sa inyong mga opinyon at reaksyon, tumawag lamang o mag-text sa #09074582883 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoon.com at maari n’yo rin kaming silipin sa aming Facebook account, i-type lamang ang aming pangalan. Mabalos!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply