Malinis na hangin at mapuno

KAMAKALAWA ipinagdiwang ng mundo ang Earth Day.

Kabilang sa mga tema ang proteksyon hindi lang ng malinis na hangin kundi pati ng katatagan ng lupa bilang tirahan ng mamamayan.

oOo

Sa pagkakalkal natin, Suki, sa hangin na nalalanghap natin sa paligid, tiningnan natin ang baga sa mga piktyur ng isang tao na lumalanghap ng maruming hangin at hindi.

Talaga namang malinis na malinis ang baga ng mga taong nakatira sa mga lugar na walang polusyon.

Nangingitim naman ang baga ng mga sumusuong sa mga maruruming lugar gaya ng Metro Manila.

Simple lang ang ibig sabihin nito: naninigarilyo o hindi ang isang tao, malaki ang epekto ng kapaligiran sa kanyang baga…at kalusugan na rin.

Kaya naman mas mahahaba ang buhay ng mga taga-promdi kaysa mga taga-Metro.

Habang mas malinis ang baga ng isang tao, mas malusog siya at mas mahaba ang buhay.

Ang taong nabubuhay sa gitna ng usok ng polusyon ng mga sasakyan at pabrika ay tiyak na mas sakitin siya at mas maigsi ang buhay.

Kaya naman, napakahalaga na pahalagahan ang malinis na hangin sa kapaligiran.

oOo

Pero hindi lang ang problema sa hangin at polusyon ang pinag-uusapan sa Earth Day.

Mahalaga maging ang proteksyon ng buhay laban sa mga mapanirang gawain na nagpapaguho sa mga lupa at nagpapalubog sa baha ng mahal kong bansa.

At yang pag-aalaga ng puno, Suki, ang isang napakahalagang pinagtuunan ng pansin.

Kapag patuloy nating kinakalbo ang ating kapaligiran at hindi rin tayo nagtatanim ng mga punong pampalit sa ating mga pinupulak na mga punongkahoy, maniningil at maniningil yan.

Kapag dumating ang tag-ulan, naririyan ang lanislayd at resbak ni Noe sa atin.

Mahalin natin, Suki, ang ating daigdig.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply