Mananabotahe sa welga binalaan ng DILG

UPANG maiwasan ang pagsiklab ng kaguluhan at mapasukan ng mananabotahe, pinakiusapan ni Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo ang Philippine National Police, partikular ang Crowd Dispersal Management (CDM) units, na ipatupad ang maximum tolerance sa gagawing malawakang kilos protesta ng mga militanteng manggagawa bukas, Labor Day.

Kinausap na rin ng kalihim ang mga lider ng militanteng grupo na makipagtulungan sa mga lokal na opisyal at mga hepe ng pulis na panatilihin ang katahimikan at tiyakin na hindi mapapasukan ng mga mananabotahe na gusto lamang gumawa ng kaguluhan.

Sa panig naman ng awtoridad at PNP, sinabi ni Robredo na kinakailangan aniyang maging mapagmatyag at maging mapagtimpi sa panahon ng kilos protesta sa Labor day habang ang local government units (LGUs) naman aniya ay gawi ang kanilang mga trabaho para panatiliin ang katahimikan sa kani-kanilang lokalidad.

Bagamat wala namang banta ng terorismo ngayong selebrasyon ng Labor Day, pinaigting pa rin ng PNP ang kanilang alert level sa inaasahang pagbuhos ng mga magpoprotesta sa iba’t ibang panig ng bansa at posibilidad na pag-atake ng mga komunistang rebelde sa maluwag nilang mga target sa gobyerno.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply