Manila traffic enforcers may dahilan sa kotong

KAWAWA naman pala talaga ang mga traffic enforcer ng Maynila. Kaya pala napipilitang mangotong dahil sa napakaliit na tinatanggap na allowance mula sa Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) ng Manila City Hall.

Maghapong nakabilad sa araw o kaya ay maghapong nasa ulanan ang mga traffic enforcer para gampanan ang kanilang tungkulin kapalit ng kakarampot  na allowance na ibinibigay sa kanila ni MTPB Chief Norissa “Nancy” Villanueva, na sinasabing untouchable kay Manila Mayor Alfredo Lim.

Ayon sa ating mga nakausap na traffic enforcers, P3,000 kada buwan lang ang kanilang tinatanggap at hindi nila maipaliwanang kung ito ay suweldo o allowance.

Ang masakit pa nito, P3,000 na nga lang ang kanilang tinatanggap eh hindi pa nila makuha  sa tamang araw dahil delayed ito at ibinibigay lang sa mga traffic enforcer sa petsa 10 hanggang  15 kada buwan.

Saan makararating ang halagang P3,000 kada buwan sa isang padre de pamilya na may dalawa  o tatlong anak o kahit sabihin nang wala pang anak? Hindi ako ngayon nagtataka kung bakit malakas mangotong ang mga traffic enforcer sa Maynila.

Ito ay dahil sa kakarampot  nilang tinatanggap na allowance o suweldo.

Maghapong nakabilad sa araw ngunit alikabok lang ang tinatanggap ng mga traffic enforcer  samantalang sina Villanueva at ang mga galamay nito ay napakalaki ng mga sinusuweldo at may mga allowance pa gayung nasa loob lang ng maganda at malamig na kuwarto riyan sa loob ng  Manila City Hall.

Sana ay maramdaman  ni Mam Nancy Villanueva na ang halagang P3,000 ay hindi sapat sa isang tao lalo’t higit kung ito ay may mga anak na binubuhay. Sabagay, papaano nga naman ito mararamdaman ni Mam Nancy Villanueva, eh nakahiga nga pala ito sa pera.

Sa laki ba naman ng kinikita ng MTPB sa parking sa Maynila aba eh buhay donya talaga ang aleng ito.Sinasabi nga ng mga taga Maynila na ang MTPB ay isa sa mga departamento ng Manila City Hall na pinakamalakas kumita at magpasok ng pera at ito rin ang pinaka corrupt na departamento ng Manila City Hall.

Isa pa sa  inirereklamo ng mga  traffic enforcer ang pag-aalis daw agad sa kanila nitong si Villanueva kapag may nagreklamo sa kanila.

Sigaw ng mga  traffic enforcer ng MTPB ay dapat  bigyan din sila ng patas na laban, bigyan sila ng due process para naman maibigay nila ang kanilang side.

Ang nakapagtataka lang ay kung bakit pinayagan ni Manila Mayor Alfredo Lim na bigyan ng tig-P3,000 suweldo o allowance ang kanyang mga traffic enforcer  gayong napakalayo nito sa minimum wage ng Maynila.

Nasan na ang  tuwid na daan na ipinangako ng  Aquino Administration , hindi ba dapat ang Maynila ang unang sumunod  kay  Pangulong P-noy dahil kung hindi ako nagkakamali itong si Mayor Lim ang  alkalde na  pinakamalapit sa pangulo.

Para sa inyong reklamo ,  suggestions at kumento , magtext lang po sa 0915-5683000 at 0908-7230036  o kaya ay mag email sa lpr_2012@yahoo.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply