Marikina watershed sinigurong ligtas tirhan

LIMANG kongresista ang nagsagawa ng ocular inspection sa Marikina watershed upang masigurong ligtas tirhan ang paligid nito.

Ani Rep. Francisco Matugas, chairman ng House Committee on Natural Resources, dapat payagan ang mga residenteng naninirahan malapit na Marikina watershed maliban sa mga nakatira sa mga delikadong lugar na madalas magkaroon ng pagguho.

Si Matugas ang nanguna sa isinagawang ocular inspection sa loob ng Marikina watershed bago ang Holy Week break ng Kongreso.

Pangunahing may-akda ng House Resolution 226 na nananawagan upang imbestigahan ang nasabing watershed sina Reps. Romeo Acop (Antipolo), Teddy Brawner Baguilat (Benguet), Herminia Roman (Bataan) at Philip Pichay (Surigao).

Nakapaloob sa panukala na hindi lamang suriin kundi dapat higit na pag-aralan ang kalagayan at kondisyon ng Marikina River Watershed (MRW).

Ayon kay Acop layunin ng panukala na tiyakin na ang Marikina River Watershed’s long-term viability bilang likas-yaman, at maisama sa National Integrated Protection areas system sa ilalim ng RA 7568.

Banggit pa ni Matugas na handa ang Kongreso para bumalangkas ng mga batas para matugunan ang kalagayan ng mga residente doon kasabay ang pagbibigay ng proteksyon sa kalikasan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply