Maritime, int’l agreements na pinasok ng Pinas pinarerebisa ni PNoy

PINAPAREBISANG mabuti ni Pangulong Benigno Aquino III sa Department of Justice (DOJ) ang mga maritime at international agreements na pinasok ng bansa.

Hangad ng Punong Ehekutibo na nasa tama ang pamahalaan sa pagpapatupad ng mga batas laban sa mga Chinese nationals na lumabag sa maritime law ng Pilipinas.

Aniya, nakasaad sa kasunduan na hindi maaaring ipakulong ang mga dayuhang iligal na nangingisda at nagpupuslit ng ating yamang dagat.

Dapat pa rin aniyang makatiyak na nasa tama ang pamahalaan upang maiwasan ang dagdag na tensyon sa China.

Matatandaang walong fishing vessels ng China ang naaktuhang nangingisda sa Scarborough Shoal at hanggang ngayon ay hindi pa napapanagot ng gobyerno sa pagtangay ng mga clams, buhay na pating at corals.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply