Maritoni Fernandez oa kung okrayin si Jake Vargas

HONESTLY, dahil sa starlet category nga itong daughter ni Maritoni Fernandez na si Lexi Fernandez ay hindi siya nag-i-exist sa aming kaisipan. Ang sabi naging girlfriend raw ito ng alaga ni Kuya Germs na si Jake Vargas na grabe kung pintas-pintasan raw ngayon ni Maritoni at tinatawag pang pandak.

Oo nga’t maliit itong si Jake pero in fairness to him guwapo naman siya at may talent pa sa acting at singing.

At kung naging girl lang ang young singer-actor aba’y mas maganda pa siyang di hamak kaysa rito kay Lexi. Na-sight na namin ang picture ng starlelet youngstar na ito mukhang nakausli ang kanyang bibig, paayos nyo naman. (Hahahahahaha!)

Ewan lang din kung marunong itong umarte kasi hindi naman namin pinanonood ang show nito sa GMA7.

Kasi, naman huwag mamintas at mang-maliit ng kapuwa n’yo no? Nang hindi rin kayo malait. Hayan, pinaratangan tuloy kayong mag-ina na inconsistent. Sa interview kasi ni Lexi inamin nito na nagkaroon nga sila ng relasyon. Pero sabi naman ni Maritoni, hindi raw naging boyfriend ng kanyang daughter si Jake at ayaw nga niya sa lalaking pandak. Hala nag-boomerang gyud!

***

Manang Cristy Fermin Delikado Na Ang Lagay Ng Career Sa TV5!

Kung hindi kami nagkakamali ay this year na matatapos ang 3-year contract na pinirmahan ni Manang Cristy Fermin sa TV at sa loob ng halos tatlong taong pamamalagi nito sa nasabing network, puro palugi sa kanya ang management at siguradong hindi na mababawi ng mga ito ang ibinayad nilang milyones na talent fee sa kanilang host na pinaglumaan na ng panahon.

Well, hindi naman tanga ang televiewers kaya’t pinapatayan nila ng TV ang mga show ni CSF, the golden girl.

Ang ending nauna nang natigbak ang Real Confessions nito at susunod na nga ang Chakarazzi, ay Paparazzi pala, na balitang balita na sina Ruffa Guttierez, Mariel Rodriguez at Cong. Lucy Torres na ang mga papalit.

Bagong showbiz talk show ito na intended para sa Saturday time slot.

Naku! Kung itong Juicy na lang ang natitira sa programa ng oslang si Ferminata, totoo ngang delikado na ang lagay niya sa TV5 at malamang ay hindi na siya i-renew ng Kapatid network na matagal na panahon na rin naman nitong nauuto. Hay buhay! kung anong ginawa mo sa kapuwa mo ay babalik rin sa iyo. Tamaers gyud!

***

NIKKI GIL, HAHARAPIN NA ANG TUNAY NA INA

Ngayong tumitindi na ang labanan nina Donya Alicia (Tessie Tomas) at Olivia (Eula Valdes) sa de-kalibreng Kapamilya Gold teleserye ng ABS-CBN na Mundo Man ay Magunaw, handa nang harapin at kausapin ni Jenny (Nikki Gil) ang kanyang tunay na ina alang-alang sa kaligtasan ng lola. Kaya bang isuko ni Olivia ang kanyang inaasam na hustisya para sa kanyang anak? Handa ba si Dante (Emilio Garcia) na talikuran ang pagmamahal kay Olivia para pagbigyan si Lanie (Sylvia Sanchez) at Sheryl (Empress)?

Paano maapektohan ang buhay ng mga karakter kapag nabunyag na ang lihim na si Sheryl ang tunay na La Peña at si Jenny ang tunay na anak nina Dante at Olivia? Huwag palampasin ang Mundo Man ay Magunaw, araw-araw bago mag Angelito Batang Ama sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply