Marso 10, idineklarang ‘Araw ng mga Buntis’

BILANG pagkilala sa babaeng buntis na bayani sa kanilang karapatan, idedeklarang special non-working holiday ang ika-10 ng Marso bawat taon bilang “Araw ng mga Buntis” sa buong bansa.

Ito ang nakasaad sa House Bill No. 6009 na iniakda ni Rep. Leopoldo Bataoil (2nd District, Pangasinan) na bibigyan ang malapit nang maging ina na makakalap ng mga mahalagang impormasyon at masiglang pakikipag-usap.

“Angkop lamang na bigyan natin ng halaga ang mga pangangailangan ng buntis sa pagdiriwang ng “Araw ng mga Buntis.” Ang pagbubuntis ay kahali-halinang estado sa buhay ng isang babae na mahirap ipaliwanag. Gayunpaman, sa panahon ng kanyang pagbubuntis, maaari siya malagay sa kapahamakan. Pero para sa babae, they feel complete, totally fulfilled and even happier,” sabi ni Bataoil.

Noong panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, nag-isyu ito ng Presidential Proclamation No. 569 noong Marso 9, 2004 at idineklara ang Marso 10 bilang “Araw ng mga Buntis” bilang suporta sa proyekto ng Philippine Obstetrical and Gynecological Society (Foundation) Inc.

Sa panukalang batas, magkakaroon ng koordinasyon ang Department of Health, ang kumikilala na ang lahat ng babaeng buntis ay ikonsiderang mga bayani sa sariling karapatan sa pagbibigay ng bagong buhay sa mundo.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply