Mas gusto ang tong-its kaysa siete palabras

HINDI natin pupuwedeng basta kalimutan na lang  ang mga napansin natin sa nakaraang Semana Santa.

Sa napuntahan nating ilang lugar, nagtaka tayo  sa pinagkakaguluhan ng mga kababaihan.

Puro mga Katoliko ang mga iyon. Biyernes Santo ang araw na iyon.

Sumilip tayo, Suki.

Aba, nagtotong-its sila.

Naganap iyon habang nagsi-siete palabras sa simbahan. Kaya pala kakaunti ang dumalo sa misa.

Mas marami pa ang nagtotong-its kaysa sa mga kasama nina father na bising-bisi sa paggunita sa pagpapapako kay Kristo sa Bundok ng Golgotha.

Kung nagmamaniobrahan sila, tahimik na tahimik sila. Pero kapag oras na ng panalo, naghihiyawan na sila.

Kasi hindi lang ang nagtotong-its ang panalo sa bunot o laglag na baraha ng kalaban.

Maging ang mga may alas, kuwadro at plases.

May challenge pa na doble ang panalo o talo kung papatulan iyon.

Masasaya ang mga relihiyosa’t relihiyoso.

oOo

Sa isang barangay naman, wala tayong natagpuan na nagpapasyon.

Sugal, tsismisan, inuman at pagbibilad ng palay ang ating napansing ginagawa ng mga ito.

Siyempre pa, tong-its, 41, bingo at iba pa ang pinagkakaabalahan.

Nagtanong tayo kung bakit wala na ang mga nagpapasyon.

Ang sagot: wala na ang mga matatanda na mahihilig sa pasyon.

May kapilya naman pero paisa-isa ang mga kabataan na nagpapasyon.

Ano ang nangyayari sa lahi ni Juan na dati-rati, kapag naririyan na ang Semana Santa ay hindi na magkandaugaga sa paghahanda sa pasyon, senakulo at salubong?

Nagaganap ito kahit magkakatabi pa ang mga simbahan at iskul na nagpapalaganap nito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply