Mas mabigat na parusa sa ‘nangangaliwang’ asawa isinusulong

ISINUSULONG ngayon ng ilang mambabatas ng House Committee on Women and Gender Equality ang House Bill 5734 para masampahan ng mas mabigat na kaso ang mga asawang nangangaliwa.

Sinabi ni Zamboanga Congresswoman Isabel Climaco, na dapat naaktuhan o scandalous ang pangangaliwa ng mister para makasuhan ito.

“For a woman to catch the husband in an act of infidelity, let’s say in a motel, sabi niya that is not counted kasi po yung law says it has to be in scandalous circumstances.”

Aminado din si Climaco na nahihirapan silang kumbinsihin ang iba pang mambabatas na suportahan ang naturang panukalang batas.

Layunin ng batas aniya na hindi makalimutan ng asawa ang kanilang responsibilidad bilang padre de pamilya at ilaw ng tahanan para sa kanilang mga anak.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply