Mataas na buwis sa China products iminungkahi

IMINUNGKAHI ng isang kongresista ang pagpapataw ng mataas na buwis sa mga produktong gawa sa China.

Ito ay bilang protesta sa pambu-bully umano ng China sa Pilipinas kaugnay sa nagaganap na tensyon sa Scarborough Shoal, ani CIBAC Party-list Rep. Sherwin Tugna.

Nagpahayag naman si House Minority Leader Danilo Suarez, na magkaroon ng total ban sa mga inaangkat na produkto galing China.

Tutol naman dito si Cavite Rep. Emilio Abaya, at sinabing hindi ang pag-boycott sa mga China made product ang solusyon upang matuldukan ang gusot ng dalawang bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply