Matapos matapilok, DFA Sec. ok na – PNoy

PERSONAL na tiniyak ni Pangulong Benigno Aquino III na nasa mabuti nang kalagayan matapos dalhin sa opistal si Foreign Affairs Sec. Albert del Rosario nang matapilok habang paakyat sa kanyang opisina para dumalo sa isang pulong na ipinatawag ni PNoy.

Sa panayam, sinabi ng Chief Executive na posibleng may kinalaman sa mahinang tuhod ni del Rosario ang kanyang pagkakatapilok.

Si Del Rosario ay naoperahan na sa tuhod na pangunaging napinsala sa insidente.

Kasama ni Del Rosario sa meeting si Defense Sec. Voltaire Gazmin kung saan pinag-usapan ang nakatakda nilang 2+2 dialogue sa kanilang U.S. counterparts sa katapusan ng Abril.

Wala namang nabanggit kung napag-usapan ang tensyon sa Scarborough Shoal.

Sa kabilang dako, sinabi ni DFA spokesman Raul Hernandez na nakauwi na ng bahay si del Rosario at nagpapahinga na matapos ang minor injury.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply