Matataas na armas nakumpiska sa Butuan

MATATAAS na kalibre ng baril ang nakumpiska sa bahay ng isang tribal leader sa Butuan City, iniulat ng pulisya.

Kinilala ang lider na si Pedro Francisco Hernandez, o Datu Bunanat ng Purok 1-A, Brgy. Upper Doongan, nasabing lalawigan.

Agad namang ipinaliwanag ng misis ng datu na si Bae Marlene Cugit na pawang mga lisensyado ang nasabing mga aramas kaya wala walang dapat ipanamba ang kanilang ka-tribu at naniniwala siyang may bahid pulitika ang pagsalakay ng awtoridad sa kanilang bahay.

Kahapon ng Alas-3:00 nang salakayin ng CIDG-Caraga ang operasyon sa bisa ng search warrant na inisyu ni Hon. Judge Emmanuel Escatron ng RTC Branch 2 Brgy. Libertad.

Nakuha kay Datu Bulalat ang dalawang M16 rifles, dalawang kalibre .45, dalawang AK-47 rifle, isang AR-15 rifle, isang .22 revolver, 12  magazine sa AK-47, dalawang magazine sa kalibre .45, at live ammunitions ng .22 revolver at kalibre .45 at isang army uniform.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply