Matt Evans napansin na rin

TALAGANG maraming humanga sa mahusay na pagganap ng aktor na si Matt Evans sa kanyang karakter na Rolan sa “Angelito: Batang Ama.”

Nitong nakaraang April 2 episode ng naturang programa nabatid na pinag-usapan sa Twitter ang mahusay na akting ng aktor nang i-hostage niya ang pamangkin niya sa story na si Jun Jun at aksidenteng mabaril ang kapatid (sa story rin) na si Rosalie (Charie Pineda).

Marami ang nainis at nagalit kay Matt sa Twitter, na nagpapakita lamang na mahusay niyang nagampanan ang kanyang role bilang kontrabida sa buhay ni Angelito (JM de Guzman).

Abangan ang mga susunod na kaganapan sa nalalapit na pagtatapos ng Angelito sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN 2.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply