May numero na ba si Corona?

BABALIK ang Impeachment Hearing ni Chief Justice Renato Corona matapos ang mahabang Lenten break. Sa Filipino, ang Semana Santa ay isang linggo ng pagni-nilay-nilay, soul searching at reflection.

Ito marahil ang inaasahan ni Corona at maging ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III, na mag-isip ng malalim ang mga Senador sa kanilang retreat bago bumalik sa hearing.

At hindi malayo na isa ito sa malalim na usaping tatalakayin ng mga senador sa kanilang bakasyon, sa kanilang pamilya, mga kaibigan at kaalyado.

Kung susuriin natin, hindi malayo na mapawalang-sala si Corona dahil sa ipinagmamalaki ng prosekusyon na numbers game lamang ang isang impeachment hearing.

At kung maniniwala tayo na pulitika lamang ang impeachment, basahin natin ang political alignments ng mga senador. Hindi ko balak mag-pangalan dito ng sinomang senador kundi magbigay lang ng silip sa loob ng Senado.

Tandaan natin, walong senador lang ang kailangan ni Corona para mapawalang-sala at labing-anim ang kailangan ng prosekusyon para ma maalis ang Punong Mahistrado.

At dahil 23 lamang ang mga senador, walang table sa botohang ito.

Ngayon, ang malamang na boboto para kay Corona ay yung mga hindi kapanalig ni Aquino.

Ito yung mga naging kalaban ni Aquino noong nakaraang eleksyon.

Dun pa lang ay may isa na agad. Kapag binilang mo ang kapartido nito, meron na ring apat.

Isipin din natin yung mga senador na hindi natutuwa sa ina ni Noynoy noong ito pa ang Pangulo, dalawa na agad ang nasa isip natin.

Siyempre pa nandiyan yung mga nag-iisip at mga legal mind na malamang ay sa batas kumatig at hindi sa linya ng partido. Meron na ring tatlo rito.

Sa hanay ng mga senador, kalahati ang hindi re-electionist, mga hindi takot sa iisipin ng taumbayan dahil may apat na taon pa sila. Kalahati ng bilang na ito ay hindi sang-ayon sa ginagawa ng prosekusyon.

Sa madaling salita, kung walo lang ang kailangan ni Corona, medyo may problema si Aquino at ang prosekusyon sa kanilang kampanya.

At ito ang dahilan ng sangkatutak na survey na inilalabas ng kampo nila na nagsasabing gusto ng taumbayan na guilty ang hatol kay Corona. Dahil nabilang na nila ang kakampi nila, at hindi sapat ito para sila ay magtagumpay.

Sa kuwento ng Panginoong si HesuKristo, isang Hudas lang ang kinailangan para maipako siya sa krus. Sa kasaysayan kaya ng impeachment ay isang Herodes naman ang maging dahilan ng pagkatalo ni Aquino?

Dahil sabi nila numero lang naman ang labanan sa Senado, di ba?

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply