May sakit sa pag-iisip, nireyp na binigti pa

HINIHINALANG ginahasa muna bago pinatay sa pamamagitan ng pagbigti ang isang babaeng may diperensya sa pag-iisip nang matagpuan itong halos hubo at wala nang buhay sa isang bakanteng lote sa Tondo, Maynila.

Sa naantalang ulat ng Manila Police District-Homicide Section inilarawan ang biktima na tinatayang nasa edad na 35 hanggang 40, may katamtamanng pangangatawan at nakasuot ng kulay brown na blusa.

Sa report ni PO3 Jupiter Tajonera, isang kulay pink na panyo rin ang natagpuan malapit sa bangkay ng biktima na pinaniniwalaang ginamit sa pananakal sa kanya.

Nabatid na dakong alas-2:00 ng kahapon (Abril 2) nang matagpuan ng grupo ng batang lalaki sa isang bakanteng lote malapit sa Estero de Marala, sa may Smokey Mountain sa Balut, Tondo, Maynila ang bangkay ng biktima na nakahandusay at wala nang buhay.

Kaagad na ipinaalam ng mga bata sa isang Emilio Rebusi, barangay kagawad ang nakita na siyang tumawag  sa tanggapan ng MPD-HS.

Napag-alamang may diperensya sa pag-iisip ang biktima at madalas itong pagala-gala sa lugar.

Dinala ang bangkay ng biktima sa St. Yvan Funeral Homes para sa awtopsiya at safekeeping.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa pangyayari.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply