May something talaga sina Vice Ganda at Direk Bobbet Vidanes

KAHIT anong gawing pagtanggi ng ABS-CBN, particular kay Bong Osorio, na walang alitan or gulo na namamagitan dito kina Vice Ganda at sa director ng It’s Showtime na si Direk Bobbet Vidanes, talaga namang hindi maitatago ang gulo sa pagitan ng dalawa.

Kung ilang linggo na rin kasing hindi sumisipot sa kanyang trabaho itong si Direk Bobbet. And sabi, sobrang lumalaki na raw kasi ang ulo nitong si Vice at hindi na ito marunong makinig sa mga sinasabi sa kanya ng kanilang director.

Isa na rito iyong minsan, kailangang putulin ni Direk Bobbet ang pagsasalita ni Vice dahil may mga sinusunod silang oras para bigyang daan ang mga commercial ng show pero itong si Vice Ganda na mukhang kabayo at mayabang, nagtataray pa ito sa ere kasunod ng kanyang mga linya na “Magsasalita ako hangga’t gusto ko.”

Siyempre ang utos ng management ang dapat na sundin ni Direk Bobbet dahil sa kung hindi masunod ang oras na gustong mangyari ng mga donors na ito, mas malamang na magpull-out sila.

Well, ang tanong, sino kaya kina Vice Ganda at Direk Vidanes, na asawa ng isa sa mga executive ng Dos, ang pakikinggan ng mga boss sa ABS-CBN? Ang alibi kasi ng mga PR-Man ng Kapamilya Network, naka-leave lang daw si Direk Bobbet sa kanyang trabaho.

Balita ring papalitan na ang It’s Showtime ng show nina Richard Gomez, Joey Marquez at John Estrada kapag hindi naayos ang gusot sa pagitan nina Vice at Direk Bobbet. Sana lang maayos na ang hidwaan na’to na parehong may mahalagang papel sa show.

oOo

GRABE pala kung may away ang magkapatid na Ara Mina at Cristine Reyes. Daig pa ng mga ito ang aso’t pusa kung magbangayan. May mga sumbatan at iringan daw ang sinasabing away nina Ara Mina at Cristine Reyes.

Sa dalawang magkapatid na nag-aaway, mas mataray daw at grabe kung makapagtalak itong si Cristine Reyes sa kanyang ate Ara. Well, simpleng dahilan lang naman at nagiging ugat ng pinag-aawayan nila matapos na pagsabihan ni Ara tong si Cristine Reyes na mataray kaya iniwan ng kanyang boyfriend na si Rayver Cruz.

Teka lang, ‘di ba pareho lang naman sina Ara at Cristine na sugatan ang puso ngayon dahil itong si Ara ay nakipag-break na rin sa kanyang boyfriend?

oOo

Tuluy-tuloy ang mga saya at ligaya ngayong linggong ito sa White Bird Entertainment Bar. Bukod kasi sa maraming bagong pasok na modelo na pwedeng pagpilian ng kani-kanilang parukyano, ngayong April 20, 2012 may big event na magaganap sa nasambit na bar.

Ito yung search for Mr. Summer Bikini 2012 na tatampukan ng mga gwapong models sa White Bird at hindi rin siyempre mawawala ang pagrampa on-stage ng mga macho-dancers. Talagang namang sobrang mag-iinit ang bawat tagpo dito. At para sa iba pang mga detalye, tawagan lamang or mag-txt kay Mama Gretta Cell# 09217405735.

‘Yun na!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply