Mayor Patrick Meneses damay sa demanda ni Ara Mina kay Cristine Reyes

AIKO Melendez must be beaming with joy ngayong may gulo sina Ara Mina at Patrick Meneses. Di na sana namin gustong idawit pa ang pangalan ni Aiko sa istorya but we can’t do anything.

Bilang backgrounder, dati nang may mga bagay na ‘di pinagkakasunduan sina Aiko at Ara at alam na natin ang sanhi nito.

But did you know now na naragdagan pa ng isang tidbit ang istorya ng kompetisyon nila?

Yes, nadamay si Mayor Patrick sa gulo ni Ara Mina nakababatang kapatid na si Cristine Reyes.

Sabit as in may mga inferences na magkalaguyo nga sina Ara at Mayor Patrick.

May mga text messages si Cristine kay Ara at sa ibang tao na tahasang nagsasabing may carnal relation ang dalawa. Sa isang sinumpaang salaysay na notaryado at pirmado ni Mayor, nakalagay roon ang mga text messages.

Hindi na namin idedetalye ang mga ito, pero may mga kopyang kumakalat galing mismo sa korte tungkol dito.

Dawit din sa siyu ang nanay ni Mayor Patrick na si Mrs. Precy Meneses na supposedly ay hinarass rin ni Cristine sa text by sending messages na offending na binuking pang magkarelasyon nga raw sina Mayor at Ara.

O di ba, ikatutuwa ni Aiko Melendez ang ganitong pangyayari?

Heto ka, bago itong balitang ito, pinag-uusapan ng ilang reporter at tinanaong pa nga kay mayor Enrico Roque ng Pandi during the thanksgiving party he tendered to some of his close friends sa press, dahil nga birthday niya, sa mismong Amana Resort na pag-aari ng kanyang pamilya yung kung ano na ang update ng pagkasangkot niya noon sa away nina Aiko at Mayor Patrick.

Sabi ni Mayor, inilabas na raw niya ang sarili sa kaso dahil ayaw niyang lumabas na nakikisawsaw siya. True raw na kaibigan niya si Mayor Patrick pero giyera raw niya yun at tanging suporta lang ang puwedeng niyang ibigay.

Kaya nga hindi na siya nag-pursue. Isa pa, parang nakatatakot nga raw na baka dumating ang panahong magkabati pa sina Aiko at Mayor Patrick at siya ay maiwan sa ere.

Heto na nga, may bagong isyu against the mayor, we are pretty sure, medyo hands off din siya rito.

So there!

***

Ang walang katapusang insecurity ni Marian Rivera kay Katrina Halili…bow!

OBVIOUSLY, ang kanyang My Beloved co-star na si Marian Rivera ang tinutukoy ni Katrina Halili when she twitted her alleged “sama ng loob” against someone “insecure” of her. Inamin naman ito ni Katrina sa mga interview sa kanya.

“I wrote about it kasi parang puputok na ako at kailangang mailabas ko,” sabi nito. “First of all, gusto kong linawin na anuman ang pinagmulan nito, gusto ko talagang makipag-ayos sa kanya. I already told GMA7 then na patayin na lang ‘yung character ko sa show, si Emmy, para matahimik na ako. Hindi sila pumayag, they said hindi puwede kasi it’s vital to the story, lalo na ngayong buntis na rin ako roon. So I said kung itutuloy pa natin ito, gusto ko, they make me and her meet face to face para magkabati na kami for my own peace of mind kasi ang hirap naman noong magkatrabaho kayo tapos may ganyang gap.”

Paano nga ba ito nagsimula? “Honestly, hindi ko alam. Sa presscon ng ‘My Beloved’, ang sweet namin sa isa’t isa. Tapos, nagulat na lang ako, cold na siya sa’kin. Tuwing matatapos ang taping, nagpapaalam ako sa kanya, hindi na niya ako pinapansin. But I heard from her fan na nagalit siya doon sa kissing scene namin ni Dingdong (Dantes). Sa eksena kasi, nakalimutan na ni Benjie, Dingdong’s character, na girlfriend niya ako, so to remind him, kinuha ko ‘yung mukha niya at hinalikan ko siya then I said, O ano? That scene was shot in October pa, noong si Rhian Ramos pa ang nasa show. It was shown last February lang. After it was aired, du’n na nga niya ko ini-snub. Nagselos daw dahil dapat smack lang, pero nilaplap ko nang husto. Ang landi-landi ko raw.”

“Mabait naman siya, e. Pero napapraning lang ‘pag nagseselos. Hindi naman niya ako dapat pagselosan pa kasi ang pangit ko na nga dahil sa pagbubuntis ko. Ako ngang dapat ma-insecure. May attempt na pagbatiin kami, pero hindi kami pinagharap. Sinabihan lang siya and she tried na batiin ako, pero wala pa ring gana. So gusto ko, pagharapin kami para magkaroon talaga ng magandang closure sa ikatatahimik na rin ng kalooban naming dalawa.”

Hanggang sa Mayo pa raw ang taping niya sa naturang serye.

“After that, uuwi ako sa’min sa Palawan to put up a dive shop with my brother. Babalik ako rito two months before my due date on September 18 dahil dito ako manganganak sa Manila.”

The ultrasound has shown her baby is a girl. She and the father of her child, Kris Lawrence have decided to name her Kristina. Gaano na ba sila katagal?

“Sa September, three years na kami.” What does she like in him? “Mabait siya, sweet, maalaga. His house and mine are just a few blocks away from each other in New Manila and before he goes home, dumaraan siya at hinihintay muna niyang makatulog ako.”

As we write this, we’re told that GMA7 has already arranged for Marian and Katrina to talk and iron things out between them on the set of My Beloved. At sana nga raw magkabati na sila.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply