Mayweather, may tulog kay Cotto – dela Hoya

NANINIWALA si Golden Boy Oscar de la Hoya na kayang-kayang pabagsakin ni WBA jr. middleweight champion Miguel Cotto si undefeated boxer Floyd Mayweather Jr. sa May 5.

“If there is a perfect time to beat Mayweather, it is now,” ani De La Hoya.

Hanga umano si De La Hoya sa mga nakikita niya kay Cotto nitong mga nakaraang araw
sa training camp.

Kaya naman, ipinalagay niya na ang Puerto Rican star na ang maggagawad kay Mayweather ng kauna-unahan nitong kabiguan.

“I got @RealMiguelCotto [Miguel Cotto] 10oz gloves 154 lbs converted southpaw,” ayon kay De La Hoya sa kanyang official Twitter at idinagdag na lamang si Cotto sa kanilang bakbakan ni Mayweather.

Sinabi ni De La Hoya na maganda ang depensa ni Cotto at perpektong fighter ito na makakatapat ni Mayweather.

“He has great defense, but he is not a perfect fighter. He has never faced Miguel Cotto. Miguel Cotto has the right game plan and the perfect corner,” giit pa ni De
La Hoya.

Inihayag din naman ni Cotto na wala siyang ibang layunin sa laban kundi ang manalo kaya gagawin niya ang lahat upang mapataob si Mayweather.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply