MC lane sa Edsa mas dapat pang pag-aralan– MDPPA

PATULOY ang pagtaas ng bilang ng mga naaaksidente sa motorsiklo taon-taon at isa sa mga itinakdang solusyon ng gobyerno rito ay ang pagtatalaga ng MC lanes o motorcycle lanes sa mga pangunahing kalsada sa Maynila.

Noong Oktubre ay pinasinaya ng MMDA ang MC lanes sa Commonwealth Avenue at Macagapal Avenue na mas kilala sa tawag na blue lanes. At nitong nakaraang Pebrero nga lamang ay binuksan na rin ang MC lane sa Edsa

Ayon sa MDPPA o Motorcycle Development Program Participants Association, na binubuo ng motorcycle manufacturers na Honda, Kawasaki, Suzuki, Yamaha, at Kymco, ang wastong paggamit ng MC lane sa kahabaan ng EDSA ay hindi naman naisasakatuparan sapagkat marami pa rin sa mga 4-wheel na mga sasakyan ang gumagamit nito. Dagdag ng MDPPA, ang MC lane ay inilaan para sa mga naka-motor upang hindi na sila kailangang makipagsabayan sa mga mas malalaking sasakyan sa pagbaybay ng Edsa, delikado para sa kanila.

Sa presscon na ginanap noong Marso 28, na may temang Usapang Motorsiklo, tinalakay ng MDPPA Board of Directors ang mga pangunhaing isyu patungkol sa MC lane sa EDSA, at ipinakita rin nila ang kanilang Letter of Appeal sa MMDA. Nakalahad sa sulat ang kanilang panukalang ipatigil na ang single, non-exclusive lane sa EDSA, at sa halip ay magkaroon ng dalawang non-exclusive lanes. Ang dalawang non-exclusive lanes ay maaaring gamitin maging ng mga sasakyan, ngunit mas prayoridad pa rin ang mga motorsiklo.

Ayon sa MDPPA, ang paggamit ng mga sasakyan sa MC lane ay pumepwersa sa mga motorcycle riders na lumipat sa mas malawak na bahagi ng kalsada kung nasaan ang bentahe ng mga sasakyan, kung saan mas nalalagay sila sa peligro.

Sa kasalukuyan, natanggap na ng opisina ni MMDA Chairman Tolentino ang sulat ng MDPPA ngunit wala pa silang sagot sa nasabing isyu.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply