M’cañang no comment pa rin sa usapin ng HLI

NO COMMENT pa rin ngayon ang Malakanyang sa usapin ng Hacienda Luisita Inc.

Ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte, hindi pa nila nakikita ang kabuuan ng desisyon ng Korte Suprema kaya pigil muna ang kanilang reaksyon.

Sinabi ng opisyal na mahirap magbigay ng anumang pahayag hangga’t hindi nakikita ang detalye ng resolusyon.

Sa kanilang pagkakaalam, hindi pa nalalagdaan ng mga mahistrado ang inilabas na desisyon dahil nagsibabaan na ang mga mahistrado mula sa Baguio City kung saan ginawa ang summer session.

Sa ngayon ay matamang hinihintay ng mga ito ang briefer ni Agrarian Reform Secretary Gil de los Reyes na siyang sangkot sa pamamahagi ng mga lupain sa mga beneficiary.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply