M’cañang no comment sa hiwalayang PNoy at Grace

NO COMMENT ang Malakanyang sa isyung hiwalay na sina Pangulong Benigno Aquino III at ang TV host/disc jockey na si Grace Lee.

Sa ulat, kabi-break lamang ng dalawa ngayog buwan.

Nagsimulang mag-date sina Pangulong Aquino at Lee noong Enero subalit noong Pebrero inamin ng Chief Executive na nagde-date sila ni Lee.

Matatandaang noong nakaraang buwan lang ay ipinagmalaki pa ng ilang staff ng Malakanyang ang pagiging “happy” ng Punong Ehekutibo simula nang makipag-date kay Lee at palagi raw nasa good mood.

At nito lamang nakaraang buwan ay inamin ni Pangulong Aquino na “girlfriend” niya si Lee.

Halos ilang linggong pinagpiyestahan noon ng media ang pagde-date nina Lee at
Aquino.

Nagkaroon din ng pagkakataon na ipinakilala ng Chief Executive sa kanyang mga kapatid ang dalaga.

Naging kontrobersyal din ang ugnayan ng dalawa nang ma-misquote si Lee na handa niyang pakasalan si Aquino, bagay na ikinagalit ng dalaga at nag-demand pa ng apology sa nagsulat ng balita na sinabayan naman ng pambabatikos kay Pangulong Aquino.

Sa ulat, nang pumutok ang isyu ng pakikipag-date ng Presidente sa TV host, maging ang media sa South Korea ay napasugod sa Pilipinas at ipinagmalaki pa ng kanyang bansa si Lee na posible raw maging future first lady ng mga Pinoy.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply